450 - Sakdal Na Pag-ibig

Sakdal na Pag-ibig, na dimalirip,
Sa trono Mo kami'y humihibik,
Upang pag-ibig nila'y walang patid,
Na kailanman sa 'Yo'y ilalakip.

Sakdal na Buhay, kapanatagan Ka,
Ng pananampalataya nila,
Ng mat'yagang pag-asa't pagbabata,
Na may tiwalang di nangangamba.

Sila'y bigyan ng kagalakang tunay;
Sila'y bigyan ng kapayapaan,
Idagdag ang luwalhati sa buhay
Na sumisikat sa pagmamahal.

0:00 0:00